Bawal Bang Uminom Ng Gamot Para Sa Lagnat Pag May Regla

Bawal bang uminom ng gamot para sa lagnat pag may regla

Hindi bawal uminom ng gamot para sa lagnat pag may regla. Pero kailangan mag-ingat sa mga gamot na iniinom. Dapat din na ito ay ligtas inumin o mas maigi ay reseta ng doctor. Marami naman na gamot na tinatawag na over the counter na pwedeng gamitin. Makakatulong din ang mga gamot gaya ng Paracetamol sa pagbabawas ng sakit na dahil sa dysmenorrhea. Kung ang lagnat naman ay tatlong araw na at biglang nawawala at bumabalik, magpatingin sa doctor.  

Bakit ba nagkakalagnat ang isang tao?

Ang lagnat ay isang reaksyon ng ating immune systems labas sa infection. Kadalasan natin nararamdaman ito kapag tayo ay may trangkaso o kaya ay may dengue. Ito ay dahil sa ang bacteria at mga virus ay hindi nabubuhay sa masyadong mainit na lugar, kaya ang gingagawa ng ating immune system, pinapainit nito ang katawan para mamatay ang mga virus. Kaya mas maigi din na kung kaya naman at hindi lagpas sa 38 degrees Celsius ang lagnat ay hayaan ito para mapuksa ang mga virus. Pero kung bigla ang pagtaas ng lagnat o kaya ay bata ang nilalagnat, mas maganda na uminom ng paracetamol o kaya ay maligo para mabaawan ang init. PWede din kasi na mag-convulsion ang isang tao kung masyado namang mataas ang lagnat.  

Kailan kailagan magpatingin sa doktor?

Karamihan ng mga infection ay nalalabanan ng ating katawan. Pero kung ang lagnat ay paulit ulit at may iba ka pang naranaramdam, halimbara pagsakit ng puson, pagdurugo ng pwerta, pagihi na may kasamang sakit, pagubo at sakit ng katawan, mas maganda na magpatinging sa doktor apra masuri. Minsan kasi ay kailangan natin ng anti-biotic na syang tutulong sa ating immune system upang labanan ang infection. Kailangan ng reseta ng isang doktor para makabili ng anti-biotic. Siguraduhin na matapos ang pitong araw na reseta ng doktor kahit na maganda na ang pakiramdam. Kapag hindi kasi nakumpleto, pwedeng bumalik ang infection.

#LetsStudy

For more information:

Antibiotic Resistance: brainly.ph/question/1181985

Dysmenorrhea: brainly.ph/question/220194


Comments

Popular posts from this blog

How Soil Erosion Can Be Beneficial And Harmful At The Same Time

Ano Ang Naging Karanasan Ni Jovito Salonga Noong Panahon Ng Batas Militar

Sanhi Ng Pornnograpiya